^

Probinsiya

9 NPA rebs patay sa engkwentro

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
9 NPA rebs patay sa engkwentro

Sa inisyal na ulat, kinilala ang apat na rebelde na sina Ka Gian, Ka Bunso, Ka Asok at si Joel “Ka Razul” Manangan na pinuno ng mga rebelde habang suga­tan naman ang sundalong si Cpl. Buenavista. AP/Aaron Favila, File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Siyam na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na napatay habang isa naman sa panig ng military ang nasugatan makaraang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng NPA rebs at militar sa Barangay Burgos, Caranglan, Nueva Ecija,  kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, kinilala ang apat na rebelde na sina Ka Gian, Ka Bunso, Ka Asok at si Joel “Ka Razul” Manangan na pinuno ng mga rebelde habang suga­tan naman ang sundalong si Cpl. Buenavista.

Narekober ng mga mi­litar ang limang M-16 rifles with M203, dalawang M-653, AK-47, M-14 Armalite rifle at walong backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento.

Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol sa hangganan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya ang pa­ng­kat ng 84th Infantry Battalion ng 7th Infantry Division nang makasagupa ang mga rebelde sa pangunguna ni Ka Razul sa Sitio Barat sa nasabing barangay.

Dakong alas-9:50 ng umaga ng humupa ang bakbakan matapos na ma­patay ang siyam na rebelde.

Base sa tala, apat na sundalo ang napatay matapos tambangan ng mga rebelde sa Barangay Dine, bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya noong Biyernes (Sept. 1). Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with