PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 tinedyer dedo sa tandem

CAVITE, MANILA, Philippines — Napaslang ang dalawang tinedyer habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa panibagong karahasang naganap sa Barangay San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawang kabataan na namatay na sina Rafael Jocas Catalan, 17; at Christian Paul Martin, 18, 2nd year high school. Naisugod naman sa South Asian Medical Center ang dalawang sugatang sina David Dyoco, 51, ng Sitio Sampalocan, Brgy. Molino 3; at Edwin Mallorca, 62, construction worker, ng St. Perigrine, Barangay Molino 2.  Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, naghuhuntahan ang mga biktima sa harap ng tindahan sa Tito Avenue nang lapitan at pagbabarilin ng tandem bandang alas-9: 21 ng gabi. Narekober  sa crime scene ang 7-basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: