PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 tinedyer tiklo sa droga

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines  —   Dalawang menor-de-edad na lalaki ang inaresto sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa dalawang bayan sa lalawigan ng Quezon.

Bandang alas-7:15 ng gabi nang masakote sa buy-bust operation ng pangkat ni P/Supt. Reynaldo Maclang ang 16-anyos na si Alyas Kevin sa bisinidad ng Herta Road, Torres Subdivision, Barangay Ilayang Iyam.

Nasamsam kay Alyas Kevin ang 5 plastic na pinatuyong dahon ng marijuana na 25 gramo.

Bagama’t itinatanggi ng suspek na isa siyang tulak ay naniniwala si P/Supt. Maclang na ito ang pangunahing supplier ng marijuana sa ilang estudyante na may 50 metro lang ang layo sa lugar kung saan ito naaresto.

Samantala, aabot naman sa 0.33 gramo ng shabu ang nasamsam kay Alyas Inso, 17 , matapos na ito ay masakote sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Candelaria, Quezon dakong alas-6:55 ng gabi.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng DSWD ang dalawa habang patuloy naman ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: