^

Probinsiya

Landslide: 4 nalibing nang buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng apat-katao makaraang matabunan ng tone-toneladang putik ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Purok 5, Barangay Tigbangagan, bayan ng Kabasalan sa Zamboanga Sibugay kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Helen Galvez, Public Information Officer ng PNP-Region 9, ang mga biktima na sina Jeffrey Lamparas, Sannylito Tuquib, 21; Danilo Balicoco, 53; at si Adrian Ledesma, 30, mga residente ng nabanggit na barangay.

Nakaligtas makaraang makalabas ng kanilang bahay sina Ernacio Catipay, Joel Longaguit, at si Joe Ledesma.

Sa imbestigasyon ni P01 Dalthon Jay Cane na naisumite sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-5 ng umaga habang natutulong ang mga biktima nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nasa kasagsagan ang buhos ng ulan nang big­lang natipak ang lupa sa katabing bundok kaya gumuho saka natabunan ang ilang bahay ng mga biktima.

Kaagad namang narekober ang bangkay ng apat makaraang magsagawa ng retrieval operation sa nabanggit na lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with