^

Probinsiya

Akyat-bahay naipit ang ulo, arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Akyat-bahay naipit ang ulo, arestado

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines - Minalas na masakote ang pinaniniwalaang akyat-bahay suspek makaraang maipit ang ulo nito sa bakal na grills ng bahay na kanyang pinasok habang papatakas noong Lunes ng madaling araw sa Barangay Tugos, Sorsogon City sa Sorsogon.

Kinailangan pang tulu­ngan ng mga residente upang matanggal sa pagkakaipit ng ulo ng suspek na si Jameson Fundales Devera ng Barangay Pangpang.

Base sa police report na nakarating kay Camp Simeon Ola, dakong alas-2 ng madaling araw, pinasok ni Devera ang bahay na pag-aari ni Pio Fernandez.

Subalit habang papatakas ay aksidenteng naisuot ng suspek ang kanyang ulo sa grills ng bahay. Gayunman, hindi na nakaalis sa pagkakaipit  ang ulo ng suspek kaya kaagad na naaresto ito.

Hindi naman nabanggit sa police report kung may mga gamit na natangay ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with