Basilan masaker: 9 patay, 16 sugatan
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapait ng siyam-katao habang 16 naman ang nasugatan makaraang atakihin ng mga armadong lalaki na sinasabing Abu Sayyaf Group ang Barangay Tubigan sa bayan ng Maluso, Basilan, kahapon ng umaga.
Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, regional police director, dakong alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang nasabing barangay.
Kaagad na pinagbabaril ang mga sibilyan at sinunog ang apat na bahay at Day Care Center.
Kinilala naman ni P/Supt. Christopher Panapan, Basilan provincial police director ang mga napatay na Hayikin Katoh Andok, 33, ng Brgy. Camalig Bohe Pahuh; Ungkaya Pukan, Radzma Arakani, Radsma Hassan, Camina Dela Cruz, Reynaldo Esparcia, Marktan Jalad, Ajid Aminulla, Ryan Joplo, at si Baby Arakani.
Sugatan naman sina Roderick T Villarin, 24; Jul-Hari Arakani, 9; Grace Fernandez, 35, Reck Joplo, 35; Midzfhar Arakani, 10; Avel Laping, 28; Estrella Arakani, 23; Joel Dela Cruz, 30; Solo Arakani, Mariam Dela Cruz, Jessie Dela Cruz, Tarhata Arakani, Jimmy Magid ng Portholland; Arnold Abenedo, 12; Lukaya Arakani, at si Jordan Garcia, 24, ng Limook, Lamitan City, Basilan.
Inilunsad na ng militar at pulisya ang malawakang manhunt operations laban sa grupo ng Abu Sayyaf.
- Latest