^

Probinsiya

2 salvage victim natagpuan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Dalawang lalaking hinihinalang biktima ng “summary execution” ang natagpuan sa isang madilim na bahagi ng Brgy. Pritil, sa Guiguinto kamakalawa ng madaling araw. Nakatali pa ng mga kamay sa likurang bahagi at nababalutan ng packaging tape ang mga mukha nang matagpuan ang mga biktima na kinalaunan ay nakilalang sina Jess Bryan Bermudez, 27, drayber at Jose Landayan Jr. nasa hustong gulang, kapwa residente ng Brgy. San Roque, San Rafael. Sa ulat ni PO2 Irwin Joy Yuson,  dakong alas-3:30 nang ipagbigay-alam sa pulisya ng ilang residente ng Sitio Ibayo, Brgy. Pritil ang pagkakatagpo sa mga biktima na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Narekober ng mga kagawad ng SOCO ang pitong basyo ng bala mula sa .45 kalibre at 19 na sachet ng shabu sa kanilang bulsa. Pinaniniwalaang dinukot ang mga biktima ng hindi nakilalang mga kalalakihan sa kanilang lugar saka itinapon sa naturang lugar upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with