^

Probinsiya

Pulis-Taguig itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon
Pulis-Taguig itinumba ng tandem

Isang miyembro ng Taguig City Police ang  itinumba ng riding-in-tandem habang kumakain sa loob ng pansitan sa Barangay Centro 2, Tuao, Cagayan kahapon ng tanghali. ?File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Isang miyembro ng Taguig City Police ang  itinumba ng riding-in-tandem habang kumakain sa loob ng pansitan sa Barangay Centro 2, Tuao, Cagayan kahapon ng tanghali. ?

Kinilala ni Cagayan Police Director Sr. Supt Warren Tolito ang napatay na si PO1 Michael Alvares na sumubsob sa hapag-kainan matapos mapuruhan sa ulo sa harap ng mga nagulantang niyang kasamahan dakong alas-11:00 ng tanghali. ?

Sa paunang imbestigasyon, pauwi sa kanyang lugar sa Brgy. Mauanan, Rizal si Alvares at kanyang mga kasama sakay ng isang Toyota Hilux SUV nang nagpasya silang subukang tikman ang pamosong Pansit Batil Patong sa lugar kung saan naman siya natiyempuhang sala­kayin ng killer. ?

Nagsigawan at nagtakbuhan palabas ang iba pang mga parokyano ng pansitan sa takot na maba­lingan ng salarin. ?

Sinabi ni Tolito na isasailalim sa inspeksiyon ang dala ni Alvares na SUV at inaalam ang dahilan ng kanyang pag-uwi sa probinsiya. ?May kinalaman sa drug trade ang sinisilip ng mga imbestigador na anggulo ng krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with