20 dakma sa police operation
LUCENA CITY, Quezon , Philippines - Pinaigting ng pulisya ang kampanya laban sa illegal gambling kaya nasakote ang 18 sugarol at dalawang adik sa magkakahiwalay na barangay sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon.
Ayon kay P/Supt.Art Brual Jr., chief of police sa nasabing lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Bong Perucho, Rommel Marano, Jesus Llego, Joseph Cabanada, Arnold Bataclan, Gina Bandiana, Francisco Ludovice, Geraldine Buenafe, Bienvenido Villaranda, Aristeo Reyes, mga residente ng Barangay Ibabang Iyam; Fidel Naynes, Edgardo Palmado, mga residente ng Barangay Gulang-gulang; Camille Basijan, Prima Papilirin, at si Bryan Arabis ng Barangay Dalahican; John Lexter Buenavista, Carlos Reyes, at si Francis Magkano.
Nakarekober sa mga suspek ng tatlong video karera machine, at mga baraha na ginagamit sa sugal.
Samantala, arestado rin sa drug trade ang mga suspek na sina Jose Nichol Villena at Geraldine Buenafe sa pot session kung saan nasamsam ang 5 plastic sachet na shabu at mga drug paraphernalia.
- Latest