Drug peddler dedo sa shootout
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Tabuco sa Naga City, Camarines Sur noong Miyerkules ng gabi. Naisugod pa sa Bicol Medical Center subalit idineklarang patay si Junel San Jose ng nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Joven Dollano. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, isinagawa ang buy-bust operation laban kay San Jose subalit nakahalata ito na mga pulis ang poseur-buyer kaya tinangka nitong putukan. Gayunman, naunahan na siyang putukan ng mga pulis at napatay. Sinamantala naman ni Dollano ang pagkakataon na makatakas mula sa nagaganap na shootout. Narekober sa encounter site ang cal. 38 revolver ni San Jose, dalawang plastic sachet na shabu at P1,000 mark money.
- Latest