^

Probinsiya

Ambush: Opisyal ng PDRRMO kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nakikipagbuno kay kamatayan ang 55-anyos na opisyal ng PDRRMO matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Lucsuhin, bayan ng Silang, Cavite kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cecilia Miranda ng Ibayong Ilog sa nasabing barangay.

Sa follow-up operation nasakote ang mga suspek na sina Eliezer “Dodong” Bari­cuatro at Hadgie Beronguez, mga construction worker at kapwa nakatira sa Barangay Digman sa Bacoor City, Cavite. 

Maging ang sinasabing mga kasabwat ng dalawa ay naaresto rin na sina Janet Buenaventura, Arthur Gandamon ng  #584 Interior 93 Barangay San Andres, Manila; Crisaldy “Hapon” Crespo ng Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite; at si Marven Jones Enao na may alyas Marvin Medina.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay miyembro ng gun-for-hire group na may operasyon sa Souhtern Tagalog at Metro Manila.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, pauwi na ang biktimang  lulan ng itim na SUV na minamaneho ng kanyang driver na si Rolando Vidal nang pansamantalang huminto dahil sa traffic signal light.

Sinamantala ng tandem na lapiftan ang SUV ng biktima saka pinutukan sa mukha.

Sa pagmamadaling makatakas ay sumemplang ang motorsiklo ng gunmen kaya naaresto ng mga awtoridad kung saan itinuro naman ng dalawa ang kanilang kasabwat na lulan ng puting Kia Picanto na may plakang AXA 6453.

Nasamsam sa mga suspek ang cal. 45 pisotl, dalawang granada, motorsiklo at ang nasabing kotse.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with