^

Probinsiya

Obrero natusta sa kuryente

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Patay ang 40-anyos na construction worker makaraang makuryente sa ginagawang gusali sa Barangay Don Mariano Marcos sa bayan ng Bayombong, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Joel Garcia, pansamantalang nakatira sa Barangay Nagbitin, bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya. Base sa mga nakasaksi, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente makaraang sumabit sa kable ng kuryente ang hawak na mahabang tubo ng biktima sa ikaapat na palapag mula sa basement ng gusali. Umabot sa 20-minuto na nakuryente ang biktima bago mahulog makaraang maputol ang kanyang kamay sa pagkahawak sa tubong may kuryente. Naputol din umano ang paa ng biktima habang ang kanyang katawan ay natusta dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente. Pansamantalang ipinahinto ang paggawa sa nabanggit na gusali habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with