Trike vs. motorbike: 8 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Walo-katao ang nasugatan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Diamantina, bayan ng Aurora, Isabela kamakalawa. Ayon kay SPO1 Seron Lucas, nasagi ng traysikel ni Reynaldo Coloma ang motorsiklo ni Mario Javier na sinasabing papasok sa eskinita dakong alas-11:30 ng umaga. Tumilapon mula sa motorsiklo saka nagpagulung-gulong si Javier kasama ang kaangkas nitong sina Virgilio Pascua at Domingo Gammad. Nagtuluy-tuloy namang nahulog ang traysikel ni Coloma sa irigasyon kasama ang mga pasaherong sina Marilyn Marinay, Gina Sagucio, Michelle Natividad, at si Ryan Christopher Pascua. Kaagad na nasagip ang mga biktima mula sa irigasyon na isinugod sa pribadong ospital.
- Latest