^

Probinsiya

2 patay sa anti-drug operation

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang drug suspek na sinasabing high-value target makaraang manlaban sa mga pulis sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ang dalawang napatay na sina Raul “Bilog” Alfonso ng Sixto Antonio Avenue, Pasig City; at Alyas Kalbo, mga high-value target ng Eastern Police District sa Pasig City. Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office, isinagawa ang buy-bust operation laban sa dalawa sa tapat ng supermarket sa Imelda Avenue sa nasabing barangay. Gayunman, nakahalata ang dalawa na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya pinaputukan nila ang mga pulis saka mabilis na tumakas sakay ng Toyota Corolla (PRK-889). Sumiklab ang habulan hanggang sa masukol ang dalawa subalit nakipagbarilan sa mga pulis imbes na sumuko kaya napatay. Narekober sa encounter site ang cal .45 pistol na may anim na bala, cal. 38 revolver na may anim na bala, 4 plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with