^

Probinsiya

Suspek sa rape-slay ng 8-anyos, arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Ares­tado ang pangunahing suspek sa pagkidnap, panghahalay at pagpatay sa 8-anyos na nene sa ikinasang operasyon ng mga pulis-Nueva Ecija at Palawan sa Port of Puerto Princesa, Palawan noong Sabado ng gabi (July 22).

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Larry “Boy” Herrera ng Barangay Maugat, bayan ng San Antonio, Nueva Ecija at dating nakulong sa Iwahig Penal Colony sa Palawan.

Kinilala naman ang biktima na si Christina Clare Mielle Medina ng Barangay Maugat, San Antonio, Nueva Ecija, Grade 3 sa San Mariano Elementary School at sinasabing apo ng isang opisyal ng National Police Commission (Napolcom).

Base sa ulat ng pulisya, naiulat na nawawala ang biktima noong Hulyo 19 kung saan huling nakitang buhay na kasama ang suspek nang pumasok sa Public Cemetery ng San Isidro sa Gen. De Jesus Street.

Inamin naman ng suspek ang krimen kung saan itinapon ang bangkay ng biktima sa irigasyon ng Barangay San Vicente, bayan ng Jaen, Nueva Ecija.

Natagpuan naman ang katawan ng biktima noong Lunes ng umaga (Hulyo 24).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with