11 NPA rebs nagbalik-loob
NUEVA VIZCAYA , Philippines - Walong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan makaraang sumuko sa pamunuan ng pulisya at militar sa bayan ng Tubo, Abra kamakalawa. Pansamantgalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga sumukong rebelde na miyembro ng Sangay Militia ng Bayan ng NPA na pinamunuan ni Rafael “Ka Cheche” Bautista na naunang sumuko noong Hulyo 11.? Walo sa mga rebelde ang sumuko sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Tubo at sa 24th Infantry Battalion ng Phil. Army noong Huwebes. Samantala, ang tatlong NPA naman ay sumuko sa kampo ng 7th Infantry Division ng Phil. Army sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur noong Lunes.
- Latest