^

Probinsiya

Tatay itinumba sa school

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines – Napaslang ang isang tatay habang nasugatan naman ang kanyang anak na babae makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa labas ng Malabag Elementary School sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Willy Alcantara Alcaraz ng Barangay Toledo habang ginagamot naman sa ospital ang anak nitong babae na si Irish Janel Alcaraz, 11, ng Malabag Elementary School. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang vendor na si  Michael Dinglazan Narvaez ng  Barangay Kaybagal South sa Tagaytay City, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, inihatid ng biktima ang anak nito sa nasabing eskwelahan kung saan lumapit at niratrat ng gunman. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with