^

Probinsiya

Magkalaguyo tiklo sa P.6-M shabu

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Tinatayang aabot sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkalaguyo sa isinagawang buy-bust ope­ration sa kanilang tiangge sa Barangay 2 San Andres, bayan ng Bacarra, Ilocos Norte noong Biyernes. Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police ang mga suspek na sina Arnel Reyes, 40, cellphone technician, ng Laoag City; at Norma Michelle Llacuna, 39, na nasabing bayan. Nagkakahalaga ng P611,000 ang nasamsam na droga habang ilang drug paraphernalia rin ang narekober sa pugad ng mga suspek. Base sa record ng pulisya, kapwa nasa drug watchlist ang magkalaguyo.? Ayon kay P/Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag City Police Station, nakapagpiyansa si Reyes sa kaso ng droga makaraang masamsaman ng shabu sa kanyang bahay noong 2012.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with