^

Probinsiya

5 bulagta sa buy-bust

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Lima-katao na sinasabing sangkot sa drug trade ang napatay sa magkahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa mga bayan ng San Miguel, Bocaue at sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Rogelio “Abog” Guevarra, Andrew Eser, Richard “Galon” Galon, alyas Botong at Alyas Dodo na mga residente ng Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City.

Nakatakda namang kasuhan ang isa pang suspek na si Lorie Ana Legaspi, ka-live-in ni Eser, ng Brgy. Antipona, Bocaue.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Isagani Enriquez, si Abog ay napatay sa inilatag na buy-bust operation  sa bayan ng San Miguel kamakalawa ng gabi matapos itong kumasa sa mga pulis sa bayan ng San Miguel. Samantala, napatay din si Eser ng mga tauhan ni P/Supt. Jowen Dela Cruz sa anti-drug operation sa Barangay Antipona, Bocaue.

Maging si Galon at da­lawa nitong kasabwat na sinasabing kumasa sa mga pulis sa buy-bust operation ay napatay sa bahagi ng Pabahay 2000, Barangay Muzon.

Narekober sa mga napatay ang cal.45 pistol, tatlong cal.38 revolver,12 gauge shotgun, mga bala, 24 plastic sachet na shabu, mga drug paraphenalia at ang marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with