^

Probinsiya

Terminal inatake ng tandem: 3 utas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Terminal inatake ng tandem: 3 utas!

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Arnold Marquez ng Blue House, Barangay Dalig sa Teresa; at Ariel Mendoza ng Maugat, Barangay Maybancal, sa Morong, habang naisugod pa sa St. Therese Hospital si Richard Marasigan ng Marketing Sitio Canlibot,  sa Bagumbayan, Teresa, ngunit nasawi rin bunsod nang tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. File

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong tricycle driver nang paulanan ng bala ng riding-in-tandem ang kanilang terminal habang naghihintay ng mga pasahero  sa Teresa, Rizal kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Arnold Marquez ng Blue House, Barangay Dalig sa Teresa; at Ariel Mendoza ng Maugat, Barangay Maybancal, sa Morong, habang naisugod pa sa St. Therese Hospital si Richard Marasigan ng Marketing Sitio Canlibot,  sa Bagumbayan, Teresa, ngunit nasawi rin bunsod nang tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, mabilis namang tumakas ang mga di kilalang suspek matapos ang krimen.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, alas-7:45 ng gabi habang naghihintay ng pasahero sa terminal ng tricycle sa Brgy. Bagumbayan ang mga biktima nang sumulpot ang dalawang magkaangkas na suspek sa motorsiklo. Agad na bumaba ang backrider,  pinaulanan ng bala ang mga nabiglang biktima at saka tumakas.

Inaalam na ng pulisya  ang motibo sa krimen kung sadyang puntirya ng mga suspect ang tatlo o kaya ay para maghasik ng karahasan sa buong lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with