^

Probinsiya

Drug suspect na nagpiyansa inutas ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ng mga riding-in-tandem assassins ang isang 39-anyos na drug suspect habang nakatayo sa Partelo Street, Zone 4, Bangued, Abra noong Huwebes. Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police ang napatay na si Jeffrey Bisares Nuñez, ng nasabing lugar. Lumalabas na binabaan ng isa sa mga killers ang biktima saka walang habas na pinagbabaril. Nagsitakbuhan at nagsigawan ang mga tao sa paligid kasunod ng alingawngaw ng putok na sinamantala ng mga suspek nag tumakas.?Isinugod si Nuñez sa Seares Hospital subalit idineklarang patay. Limang basyo ng bala ng cal.45 ang narekober ng SOCO sa crime scene. Ang biktima ay kalalabas lamang sa kulungan nang magpiyansa sa drug case noong Mayo at sumawsaw na sa Oplan Tokhang noong Hulyo, 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with