^

Probinsiya

P10-M shabu samsam sa bahay ng ex-Marawi mayor ‘Financier’ ng Maute…

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P10-M shabu samsam sa bahay ng ex-Marawi mayor �Financier� ng Maute�

Sa report ng Joint Task Force (JTF) Marawi, bandang alas-10 ng umaga nang marekober sa clearing operations ang methamphetamine hydrochloride o shabu sa bahay ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali. Joven Cagande/File

MANILA, Philippines - Umaabot sa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon ang nasamsam ng mga awtoridad sa tahanan ng isang dating alkalde na itinuturong supporter ng teroristang grupong Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa lungsod ng Marawi kahapon ng umaga.

Sa report ng Joint Task Force (JTF) Marawi, bandang alas-10 ng umaga nang marekober sa clearing operations ang methamphetamine hydrochloride o shabu sa bahay ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali.

Si Ali ay isa sa mga itinuturing na high value target at isa sa nagsisilbing financier ng Maute-ISIS terror group.

Sa ‘house to house’ clearing operations ng militar laban sa Maute-ISIS sa Marawi nitong Biyernes, nadiskubre ang dalawang kilo ng shabu sa ikalawang palapag ng bahay ni Ali.

Sa tala, si Ali ay kabilang sa mga pulitikong nasa drug watch list na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang din siya sa 310 na naisyuhan ng arrest order ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ilalim ng idineklarang martial law sa Mindanao.Kasama sa mahigit 200 personalidad ay mga narco-politicians na sabit sa rebelyon sa Marawi City na nag-umpisang sumiklab noong Mayo 23. 

Nauna rito, may 11 kilong shabu at milyun-mil­yong pera ang narekober ng military sa isang lungga ng mga terorista sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with