Karambola: Rider utas, 5 sugatan
CAVITE , Philippines - Patay ang 23-anyos na lalaki habang 5 pa ang sugatan kabilang ang 2 batang magkapatid na sakay ng tricycle matapos na suyurin ng isang Toyota Camry ang 3 sasakyan sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang driver ng motorbike na namatay na si Harold Wayne Cuenca habang sugatan ang backrider na si Mery Mine Caldo ng Nia Road; Aimon Mantele, trike driver; dalawang anak na sina Aimon Tristan Mantele at Nathaniel Thirdie Mantele, mga nakatira sa Garden Grove sa Barangay Salitran; at ang driver ng SUV na si Aldrin Geluz ng Orchard THMS sa nasabing lungsod. Arestado naman ang driver ng Toyota Camry na si Jose Alberto Manzo, 24, estudyante, at residente ng Project 8 sa Quezon City. Base sa police report, nawalan ng preno ang Toyota SUV (XEW310) ni Manzo kaya nasalpok ang SUV (XRB296) ni Geluz kung saan nagtuluy-tuloy ding nabangga ang trike ni Mantele at motorsiklo ni Cuenca.
- Latest