^

Probinsiya

Trader todas sa ambush

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isang 47-anyos na negosyante ang patay makaraang tambangan at pagbabarilin ng mga hinihinalang holdaper habang minamaneho nito ang kanyang van sa Brgy. Romualdez, Rizal, Kalinga noong Huwebes. ?

Dalawang bala ang tumama sa noo at  tumapos sa buhay ni Silvano Ignacio, ng Brgy. Liwan, nasabing bayan sanhi ng pagkasawi nito sa isang pribadong hospital sa lungsod dakong alas-5:00 ng hapon, ayon kay Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police. ?

Natagpuan ang van ng biktima na nahulog sa malalim na kanal sa gilid ng highway dakong alas-3:00 ng tanghali. ?

Tatlong basyo ng bala ng cal. 30 at isang Cal. 45 ang narekober ng SOCO sa crime scene. ?

Ayon kay Lacuata, wala sa drugs watchlist si Ignacio na isang respetadong civic leader at aktibong fire brigade volunteer.

Inaalam pa kung ano ang mga natangay ng mga kawatan sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with