^

Probinsiya

College stude nasermunan ng nanay, nag-suicide

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
College stude nasermunan ng nanay, nag-suicide

Nagbaril sa sarili ang 17-anyos na college student matapos itong pagalitan ng kanyang nanay sa Barangay Malamote, bayan ng Kabacan, North Cotabato, kahapon ng umaga. STAR/File

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines - Nagbaril sa sarili ang 17-anyos na college student matapos itong pagalitan ng kanyang nanay sa Barangay Malamote, bayan ng Kabacan, North Cotabato, kahapon ng umaga.

Sa panayam kay P/Insp. Maxim Peralta ng Kabacan Police, kinilala ang biktima na si Kerk Gabito Madiz.

Batay sa ulat ng pulis­ya, sinabihan umano ng kanyang mga magulang si Madiz dahil sa magaspang nitong pag-uugali.

Gayunman, kinaumagahan ay nag-usap pa ang biktima at kanyang kasintahan sa labas ng bahay kung saan niyakap nito at nagsabing “mahal na mahal kita”.

Bigla na lamang pumasok sa kanilang silid ang biktima saka nagbaril sa ulo gamit ang cal.45 pistol.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

Ayon pa sa ulat, matin­ding problema sa pag-aaral at depresyon ang isa sa motibo kaya nagpakamatay ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with