^

Probinsiya

Matanserong ‘durugista’, nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines -  Pinabulagta ang 29-anyos na matanserong drug suspect matapos itong ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela kahapon ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police, nagmamaneho ng trike ang biktimang si Jomer Bucarile patungo sa kanyang suki sa baboy nang hintuan at pagbabarilin ng dalawang lulan ng Toyota Innova sa tapat ng Department of Agrarian Reform.? Patay agad ang biktima nang sumadsad sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan. ?Nabatid na sumawsaw na rin sa Oplan Tokhang ang biktima noong 2016. ?Base sa tala ng pulisya, isa ring itim na Toyota Innova ang sinakyan ng gunmen na pumatay sa tattoo artist na si Rafael Tuppal na isa ring drug suspek sa Barangay District 2,  Cauayan City noong Miyerkules.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with