^

Probinsiya

Ex-tanod itinumba, utol sugatan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

Pinasok sa kanilang bahay

BULACAN, Philippines - Patay ang isang dating tanod ng barangay na nasa BADAC watchlist matapos na pagbabarilin ng limang kalalakihan habang sugatan ang kanyang kapatid na babae nang sila ay pasukin habang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Loma De Gato, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Charlie Enriquez 56, ng Lingahan, Brgy. Malanday, Valenzuela City. Minalas namang tamaan ng ligaw na bala ang kapatid nito na si Andrea Enriquez na natulala sa nakitang insidente.

Sa ulat ni PO3 Marcelo Galsim, alas-9:30 ng gabi habang natutulog si Charlie sa loob ng bahay ng kapatid na si Andrea sa Heritage Homes, Brgy. Loma De Gato, Marilao nang biglang dumating ang limang armadong lalaki lulan ng dalawang motorsiklo. Agad na pumasok at nang makita si Charlie ay dito na pinaulanan ng bala. Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksyon.

Sinabi ni Rosemarie Enriquez, nagsimulang magtago si Charlie sa bahay ng kanilang kapatid sa Brgy. Loma De Gato matapos na masama sa listahan ng mga sangkot sa droga sa Brgy. Malanday.

Narekober ng SOCO sa lugar ang tatlong basyo ng bala at dalawang slug ng .45 kalibreng baril.

Tinitingnan ang anggulo na onsehan sa droga ang motibo sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with