^

Probinsiya

Drug dealer todas sa P11-M drug bust

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang “high value target” na uma­no’y drug dealer habang dalawa pa niyang ang nasakote at nasu­gatan sa isinagawang drug bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit P11 milyong halaga ng shabu sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

 Sa ulat ni CARAGA Police director P/Chief Supt. Rolando Felix, alas-9 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang Butuan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency laban sa suspek na napatay na si Reynaldo Abordo sa Brgy. Libertad ng lungsod.  

Nasakote sa operasyon ang kasamahang drug pusher ni Abordo na si Johnny Calawigan, 32, na siyang nagbenta ng droga sa poseur buyer. Nang makatunog umano ang target ay nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba subalit nasakote.

Gayunman sa kabila ng nakaposas, nagtangkang tumakas si Calawigan lulan ng Starex van pero nahabol ng pulisya sa Brgy. San Vicente, Butuan City sanhi ng kanyang pagkasugat sa palitan ng putok.

Ang suspek pang si Re­neboy Guno ay nasugatan sa bakbakan subalit nasakote rin.

Nakumpiska sa loob ng Ford Escape ng mga suspek ang mahigit dalawang kilo ng shabu na may market value na mahigit P11 milyon, apat na cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with