PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kapitan, No. 2 sa drug watchlist itinumba

MANILA, Philippines -  Patay ang isang incumbent barangay chairman na No. 2 sa drug watchlist matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang  motorcycle riding-in-tandem sa harap ng isang hardware store sa Iligan City, Lanao del Norte nitong Huwebes ng hapon. 

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan at idineklarang dead-on-the-spot sa Sanitarium Hospital ang chairman na si Robert “Dodong” Fuentes, ng Brgy. Fuentes ng lungsod at kabilang sa mga high value target (HVT) ng Iligan City Police.  

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, alas -5:20 ng hapon habang lulan ang biktima ng barangay patrol vehicle nang pagbabarilin ng tandem sa kahabaan ng Tibanga highway, Iligan City.

Aktibo ang kapitan sa kanilang barangay sa panghuhuli ng mga tulak ng droga upang kunwari ay ipakita na kinokondena nito ang pamamayagpag ng illegal na droga. Pinaniniwalaan na dahil sa droga ang motibo sa pagpatay sa kapitan mula sa kalaban nitong sindikato.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: