PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalaga na-gang rape sa dorm

MANILA, Philippines -  Kalunus-lunos ang sinapit ng isang  20-anyos na dalaga matapos halayin ng anim na kalalakihan matapos mag-inuman sa loob ng isang dormitory sa Brgy. Sto Niño, Zamboanga City kamakalawa ng hapon. Nanghihina at may mga pasa pa ang biktima na itinago sa pangalang Ariana nang dumulog sa himpilan ng pulisya upang magsuplong. Arestado naman sa followup operation ng Zamboanga City Police ang mga suspek na sina Totong Lumatang, 23 taong gulang; Al Gabra Diego, 20; Al-Kaver Misuari, 26; Jomal Marail, 23; Hamid Pallong, 27; Almonar Buyok, 23; pawang ng Maluso, Basilan at isa pa ang nakatakas na tinawag na Shierymar, tubong Jolo, Sulu. Ayon kay Ariana, inimbitahan siya ng grupo na mag-inuman sa Pick-N-Go sa Sta. Maria  noong Mayo 17 ng gabi na inabot ng hanggang madaling araw. Nang malasing, dinala siya sa Sam’s Dormitory, sa San Jose Road, Triplet, Brgy. Sto Niño dakong alas-2 ng madaling araw at dito na siya halinhinang ginahasa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: