^

Probinsiya

72-anyos lola dedo sa guro

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Kalaboso ang isang titser makaraang mabangga nito ang isang 72-anyos na lola na tumatawid ng kalsada sa Maharlika highway sa Brgy. Cabidan, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa. Sa lakas ng pagkakabagok ng ulo sa sementadong kalsada, idineklarang dead-on-arrival sa PEPAU Hospital ang biktima na si Liliosa Loresto, may asawa, ng Brgy Pangpang, Pilar, Sorsogon. Kinilala ang drayber ng motorsiklong Yamaha YZF R15 (EC73726) na si Joel Detecio Jr., 25 anyos, binata, isang public teacher at residente ng Brgy. Rizal, Prieto Diaz, Sorsogon.Dakong alas -7:00 ng umaga habang sakay ng kanyang motorsiklo ang guro patungo sa pinapasukang eskuwelahan upang dumalo sa unang araw ng Brigada Eskuwela nang hindi nito mapansin ang biglang pagtawid ng lola dahilan upang masalpok ito. Ang guro ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with