PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 tulak dedo sa drug operation

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arwin Tadeo, isinailalim sa drug operation ang apat para madakip subalit kumasa at nakipagbarilan.

BULACAN , Philippines  – Tumba ang apat na drug peddlers makaraang kumasa sa inilatag na magkahiwalay na drug operation ng mga awtoridad na Barangay Longos, bayan ng Pulilan at Barangay Daungan, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang tulak habang ang dalawa naman ay nakilala sa mga alyas Asbok ng Brgy. Bañga 1, Plaridel; at Alyas Bonad. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arwin Tadeo, isinailalim sa drug operation ang apat para madakip subalit kumasa at nakipagbarilan. Narekober sa apat ang 20 plastic sachet na shabu, 3 cal.38 revolver, shotgun, mga bala at dalawang P500 cash na marked money na ginamit sa operasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: