PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Minibus nahulog sa bangin sa Nueva Ecija, 26 patay

FILE PHOTO

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 26 ang nasawi matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Nueva Ecija ngayong Martes.

Nahati sa dalawa ang Leomarick bus (AVZ-757) nang mahulog ito sa nasa 80 hanggang 100 talampakang bangin sa Barangay Capintalan sa bayan ng Carrangalan bandang 11:30 ng umaga

Kabilang sa mga nasawi ang 18 kababaihan, pitong lalaki at isang bata, habang 21 naman ang sugatan at isinugod sa bayan ng Bambang sa katabing lalawigang Nueva Vizcaya.

Tinatahak ng minibus ang isang zigzag na kalsada sa Barangay Capintalan nang mawalan umano ito ng preno.

Nawalan ng kontrol ang tsuper ng minibus at bumulusok ito pabagsak ng bangin na may taas na 80 hanggang 100 talampakan.

Patungong Candondon, Ilocos ang bus.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Hindi ito ang unang insidente na nagkaroon ng aksidente sa amin, kurbada kasi ‘yung daan,” sabi ni Carrangalan Nueva Ecija Mayor Mary Abad sa dzBB.

“Ito ang pinakagrabe. Talagang risky ‘yung highway dahil may mga lugar na kurbada, pero may mga signs naman,” dagdag niya.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: