^

Police Metro

Trabaho muna bago tsismis ng girlfriend

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Trabaho muna bago ang tsismisan sa mga girlfriends o kasiping sa pagtulog!

Ito ang mariing parunggit kahapon ni Senador Richard Gordon  sa mga kasamahang mambabatas  na inuuna pa umano ang tsismis  sa kanilang mga kasamahan kaysa pagtuunan ng pansin ang trabaho.

 “We keep talking about everything. Who’s sleeping with whom? Who’s the girlfriend of this? Ito ang ginagawa natin. Why can’t we all just do our jobs?” pahayag ni Gordon sa kanyang opisyal na Facebook account.

 Matatandaan na ilang araw ring naging isyu ang awayan ng girlfriends nina Speaker Pantaleon Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floriendo Jr.

 Kinuwestiyon din ni Gordon kung hindi ba sila maaring maging kagalang-galang at kung bakit pa kailangang pag-usapan ang mga girlfriends o ‘extra marital affairs ‘ ng mga kinauukulan.

Binigyang diin pa ni Gordon na mas mabu­ting pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa Phil Navy, posibleng pagtama ng isang malakas na lindol na tinatawag na “Big One”, at kung nakahanda ba ang lahat

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with