^

Probinsiya

Magsasaka kinatay, pinutulan ng ari

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 58-anyos na magsasaka matapos itong pagsasaksakin ay pinutol pa ang ari nito sa panibagong karahasang naganap sa provincial road sa Barangay 34 Cabaruan, bayan ng Bacarra, Ilocos Norte kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, unang inakala ng pulisya na isang kaso ng vehicular accident ang sinapit ng biktimang si Prudencio Balicat hanggang madatnan nila ito sa nakakikilabot na kalagayan.?

Nabatid na unang ini-report sa pulisya ng pamangkin ni Balicat na si Melody Orencio na natagpuan niya ang biktima na duguang  nakabulagta sa madilim na gilid ng highway sa tabi ng kanyang motorsiklo dakong alas-3:30 ng madaling araw.

?Sa post mortem exa­mination ni Dr. Manuel Andres, nagtamo ng 15 saksak si Balicat habang naubos ang dugo nito sa pagkakaputol ng ari na ipinatong pa sa ibabaw ng duguang mukha.?

Sinisiyasat ng mga imbestigador ng pulisya ang isang babae na sinasabing katipan ng biktima na may ilang araw na bago ito pinatay.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with