^

Probinsiya

Mamamahagi ng imbitasyon sa kasal…Groom niratrat ng karibal, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 28-an­yos na binatang malapit nang ikasal matapos itong pagbabarilin ng umano’y kanyang karibal habang namamahagi ng imbitasyon sa kaibigan sa Barangay Tetuan, Zamboanga City sa Zambonaga del Sur noong Biyernes.

Idineklarang patay sa Zamboanga Doctors Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Mark Emmanuel Santos ng Nangka Drive sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat ni P/Supt. Rogelio Alabata na nakara­ting sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa kahabaan ng Don Alfaro Street dakong alas-11:50 ng tanghali.

Ayon sa imbestigasyon, kababa lamang sa kaniyang sasakyan ang biktima kung saan mamamahagi ng kaniyang imbitasyon sa kasal sa kaibigang si Ro­gelio Ababon nang biglang lapitan at pagbabarilin ng suspek.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay love triangle dahil may mahigpit umanong karibal ang biktima sa dalagang pakakasalan.

vuukle comment

IMBITASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with