8 arestado sa drug trade
BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng walong drug suspek makaraang masakote ng mga pulis sa inilatag na buy-bust operation sa tatlong bahay sa Barangay Bambang, bayan ng Bocuae, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Aldick Balaba, 36; Ronnie Ayuyao, 37; John Benedick Sareno, 31; Ronnel Pascual, 32; kapatid nitong si Richard Pascual, 30; Lemar Villares, 22; Juanito Mustangco, 37; at si Restituto San Pedro, 57, mga residente sa nasabing bayan. Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Ronie Pascua, nasakote ang mga suspek sa tatlong bahay na sinasabing drug den. Naaktuhan din ang ilang suspek sa pot session kung saan narekober ang 44 plastic sachet ng shabu, digital weighing scale at P1,500 marked money. Nabatid din na may nakabimbing kasong kriminal si Balaba sa Malolos City Regional Trial Court Branch 78.
- Latest