^

Probinsiya

4 patay sa highway tragedy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 patay sa highway tragedy

Kabilang sa mga namatay ay sina Carmel Vizande, 35; Marjun Bolunos, 28; Jason Piquit, at si Earl Piquit, 24; mga nakatira sa Tagbilaran City. Google Maps

MANILA, Philippines – Apat-katao ang namatay makaraang  magbanggaan ang dalawang  motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Dauis, Bohol noong Linggo ng gabi.

Kabilang sa mga namatay ay sina Carmel Vizande, 35; Marjun Bolunos, 28; Jason Piquit, at si Earl Piquit, 24; mga nakatira sa Tagbilaran City.

Sina Bolunos at Vizande ay kapwa namatay  habang isinusugod sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City habang ang mga backriders na magpinsang Piquit ay magkasunod na namatay habang ginagamot sa nasabing ospital.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, patungong Pang­lao si Vizande mula sa Tagbilaran City nang makasalpukan nito ang motorsiklo naman ni Bolunos na kaangkas ang magpinsan bandang alas-7 ng gabi.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pa­wang walang helmet ang mga biktima kung saan ang motorsiklo ni Bolunos ay walang headlight habang inaalam kung nasa implu­wensya ng alak ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with