^

Probinsiya

Mister todas sa killer trak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 30-anyos na mister makaraang salpukin ng truck ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa San Vicente-San Agustin Norte, bayan ng Agoo, La Union kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodolfo Boado Soliven ng Barangay Poblacion sa bayan ng Aringay. Lumalabas sa imbestigasyon na nang-agaw ng linya ng kalsada ang delivery truck (UYD 855) matapos na mag-overtake sa sinundang  sasakyan nang matumbok nito ang motorsiklo ng biktima. Sa lakas ng impact, tumilapon at nagpagulung-gulong sa kalsada ang biktima at doon din nalagutan ng hininga habang tinakasan ng hindi natukoy na drayber ang dala nitong truck sa gitna ng kalsada. Nabatid na ang killer truck ay nakarehistro sa isang kompanya na nakabase sa bayan ng Cainta, Rizal. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with