10 sasakyan sinuyod ng trak
PAMPANGA, Philippines – Patay ang 16-anyos na estudyante makaraang araruhin ng trak ang sampung sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao, Pampanga noong Biyernes ng umaga. Sa police report na nakarating sa Camp Julian Olivas, kinilala ang biktima na si Micaela Jimenez habang isinugod naman ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital. Naitala ang sakuna bandang alas-9 ng umaga kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Cesar Sabanate. Gayunman, magkakasunod na sinuyod ng trak na may plakang RJM 381 ang sampung sasakyan sa southbound ng Guyamen River sa nasabing barangay. Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homecide, multiple physical injuries, at damages to property ang driver ng truck.
- Latest