^

PSN Palaro

UST, Pocari pukpukan sa No. 1 spot sa SVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang matinding bakbakan sa pagitan ng Pocari Sweat at University of Santo Tomas  ang sasambulat sa Miyerkules dahil pag-aagawan ng dalawang koponan ang top seeding sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig.

Maliban sa No. 1 spot, nais ng Lady Warriors at Tigresses na mapataas ang kanilang moral bago pumasok sa semis.

Matapos lumasap ng kabiguan sa kamay ng Philippine Air Force noong Oktubre 5 sa kanilang unang laro, nagtala ng limang sunud-sunod na panalo ang Lady Warriors na halos lahat ay nakuha nito sa pamamagitang ng straight-set win.

Tinukoy ni Pocari Sweat mentor Rommel Abella ang magandang samahan ng kanyang bataan na isang susi sa kasalukuyang tinatamasang tagumpay.

Nakakasabay ang American imports na sina Breanna Lee Mackie at Kay Kacsits sa mga local players gaya nina Michele Gumabao, Myla Pablo, Elaine Kasilag, Desiree Dadang at Filipino-American setter Iris Tolenada.

Kasalukuyang magkasalo ang Lady Warriors at Tigresses sa unahan ng standings bitbit ang parehong 5-1 marka.

Ang UST ang bukod tanging koponan sa Final Four na walang imports.

Kaya’t inaasahang ilalabas ng all-Pinay UST crew ang buong bangis nito upang sabayan ang Lady Warriors.

Mangunguna sa ratsada ng Tigresses sina EJ Laure, Marivic Meneses, Carla Sandoval, Pam Lastimosa, Chlodia Cortez at Cherry Rondina.

Sa kabilang banda, umaasa ang BaliPure na makakabangon ito sa tinamong 16-25, 25-12, 21-25, 19-25 pagyuko laban sa Pocari noong Sabado.

Kasalukuyang may 4-2 ang Water Defenders.

At kung mananalo ito sa Philippine Coast Guard sa Miyerkules, makakasalo nito ang Bureau of Customs sa No. 3 tangan ang parehong 5-2.

vuukle comment

FINAL FOUR NG SHAKEY’S V-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with