^

Pang Movies

Tsugian nina James at Nadine minadali!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi kami nagko-comment noong una dahil hindi namin napanood, hanggang sa may nagpadala nga sa amin ng video ng serye nina James Reid at Nadine Lustre mula sa YouTube, kung saan ipinakikita ang kanilang pagtatalik sa loob ng isang kotse. Wala namang masamang nakita, pero naroroon ang simulation na sila nga ay nag-alis ng kanilang damit. Hindi iyon petting, talagang matindi ang simulation.

Sinasabi naming simulation dahil suggestive lang naman ang nakita, hindi nagpakita ng sex kagaya ng sa mga sexy o bold films. Hindi naman kasi puwede iyon sa telebisyon.

Nasundan pa pala iyon ng isang supposed to be ay honeymoon scene. Wala namang malaswa kaming nakita, but think of “artists’ preservation”. Iyan ang dahilan kung bakit hindi kagaya noong araw na ang popularidad ng mga artista ay tumatagal nang maraming taon. Ngayon umiiral ang sinasabing “strike while the iron is hot” after all madali namang mag-discover ng bagong artista. In fact, ang dami nang nakalinya riyan. Pero para sa edad nina James at Nadine, bagay nga bang ginagawa na ang mga ganoong eksena? Kung kami ang tatanungin, hindi pa.

Sina James at Nadine, nakuha na nila ang suporta ng publiko at naniniwala kaming maaaring tuma­gal ang kanilang career, pero huwag naman nating masyadong madaliin. Natural nga siguro iyon para sa isang serye na kailangang maghabol ng ratings, pero alam naman natin ang totoo, ang mga artistang nagpapa-sexy nang husto ay hindi tumatagal. Pagkatapos niyan ano pa ang maipapakita nila?

Si Vilma Santos, hindi gumawa ng love scene noong panahong teenager pa ang image niya. Hindi rin gumawa nang ganyan si Sharon Cuneta noong kanyang panahon. Lalo naman si Nora Aunor walang ginawang ganyan. Tingnan ninyo, hanggang ngayon nariyan pa rin sila.

Nasaan na sina Priscilla Almeda, Amanda Page, Joyce Jimenez, Rossana Roces, at iba pang nagpa-sexy?

Hanggang ngayon, tinitingala pa rin sina Aga Muhlach at iba pang mga actor na hindi gumawa ng ganyan, eh nasaan na ang mga malalakas ang loob na maghubad noon?

KAPPT magsisimula nang magpa-rehab ng mga adik 

Maliwanag na ang panawagan ni Rez Cortez sa gobyerno bilang presidente ng Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) na huwag nang ilabas ang listahan. Sinasabi niyang makakasira iyon sa mga artista at sa buong industriya. Pero hindi siguro niya maikakaila na ang mga artistang gumagamit ng droga ay matagal na ring problema ng buong industriya.

Pero ngayon, kumikilos na raw ang kanilang guild, para matulu­ngan ang mga lulong sa droga na magpa-rehab. Nakikipagtulungan na rin daw sila sa PDEA.

Nadarama namin ang sentiments ni Rez, pero magbabago ba ang mga addict kung ganoon lang? Kung hindi naman sila sangkot sa droga, bakit hindi nila gayahin sina Luis Manzano, Patrick Garcia, Martin del Rosario, at iba pa na nagpa-test mismo sa ahensiya ng gobyerno na may kakayahang sumuri sa mga gumagamit ng droga? Bakit doon sila nagpipilit sa mga pribadong medical laboratory at hindi doon sa under supervision din ng PNP at NBI?

Malaking kasiraan talaga sa isang artista kung lalabas na addict siya. Pero ano nga ba ang magagawa natin lalo na doon sa kagaya ng isang paulit-ulit na nagkakaroon ng kaso dahil nagwawala basta may tama na? Ano ang gagawin natin doon sa kagaya ng iba na matanda na, gumagamit pa rin?

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with