^

Pang Movies

Kris wala sa eksena Bimby at Joshua nakipag-party sa partner ni James

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nasundan ang pagsasama ng magkapatid na Bimby at Baby MJ sa birthday ng partner ni James Yap na si Michela Cazzola. Eh bukod kay Bimby, present din ang half-brother niyang si Joshua, huh!

Hindi nga lang namin nakita sa group picture nina James, Michela, Joshua, Bimby, at Baby MJ si Kris Aquino. At least, nagawa niya na uling pagtagpuin sina Bimby at Baby MJ, huh!

Ngayong nagkaayos na sina Kris at James, ang career na lang niya ang dapat ayusin ng Queen of All Media, huh!

Eh nang tanungin ng press si AiAi delas Alas kung may alam siya sa nangyaring pagkaligwak ng show sana ng dating friend, tugon niya, “Wala, wala talaga akong alam tungkol diyan!”

Boyet bitin sa romansahan nila ni Lovi

Dumistansya ang girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca habang nagaganap ang screening ng The Escort sa peremire nito sa SM Megamall last Thursday. Hinayaan lang niyang magtabi sina Derek at Lovi Poe na magkapareha sa movie.

Hindi rin nagbigay ng pahayag sa press si Joanna after ng premiere. Pero nagpaunlak naman siya ng picture sa press. Kasama siya sa grupo ng parents ni Derek na nanggaling pa sa Tagaytay that night upang mapanood ang movie ng anak.

For sure, kahit nagpista ang mata ng manonood kay Derek, proud si Joanne sa performance sa screen ng boyfriend. Hindi na kasi puwedeng sabihing tanging katawan lang ang pasaporte ni Derek sa industry. Level up na kasi ang acting niya at hindi siya nagpalamon sa confrontation scene nila ni Christopher de Leon, huh!

Bukod sa magagaling na artista, maganda ang direksyon ni Enzo Williams. Ang kabilib-bilib sa The Escort ay ang panalong dialogues mula sa writer na si Senedy Que, huh!

Kung panalo ang laplapan ni Derek kina Lovi at Jean Garcia, nanghihinayang naman si Boyet at maikli lang ang ginawang paglalandi niya sa Primera Aktres. Pero markado ang linya niya sa mga options 1, 2, and 3 na inilahad niya kay Lovi para pagpilian upang mailigtas sa kamatayan si Derek, huh!

Showing na sa Wednesday, November 2 ang The Escort.

Gabby pahinga muna sa kadramahan

Break daw muna sa paggawa ng heavy roles si Gabby Concepcion. After ng role niya sa Because of You, magaan na naman ang role ni Gabo sa GMA weekly series na Tsuperhero na mapapanood na weekly sa November.

“Minsan kasi, nakakasawa na ‘yung masyadong sigawan, iyakan, bugbugan. Mabigat sa dibdib. Kaya sana lahat ng projects na gawin ko light na lang,” saad ni Gabby tungkol sa role sa Derrick Monasterio-Bea Binene starrer.

Isang pulis ang role ni Gabby sa comedy series na ninong ni Derrick. Ang konsepto ng Tsuperhero ay galing kay Michael V.

vuukle comment

BABY MJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with