^

Probinsiya

Ex-pulis timbog sa buy bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang dating pulis matapos na maaresto ng kanyang dating kabaro sa isinagawang buy bust operation sa Brgy.Loma De Gato, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Agad na kinasuhan ang suspek na si ex-PO2 Gilbert Seso, 47, ng Heritage Homes, Brgy. Loma De Gato sa bayang ito at dating nakatalaga sa Baler Police Station 2 ng QCPD. Base sa ulat ni P/Supt. Amado Mendoza, dakong alas 8:10 ng gabi ay nagsagawa ng buy bust operation ang lokal na Drug Enforcement Unit ng naturang bayan matapos na isumbong ng ilang residente ang suspek dahil sa patuloy na pagbebenta nito ng shabu. Habang kinukuha ng suspek ang marked money mula sa isang poseur buyer na pulis kapalit ang binibiling item ay dito na siya inaresto ngunit nang mapansin ang mga nakapaligid na iba pang pulisya ay sinubukan nitong tumakas subalit naaresto rin kinalaunan saka narekober sa kanya ang dalawang pakete ng shabu, iba’t ibang mga drug paraphernalias at marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with