^

Probinsiya

Guro tiklo sa pagbenta ng shabu

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isang 37 anyos na guro ng isang Pampublikong paaralan ang ikatlong empleyado ng gobyerno sa bayan ng Diffun, Quirino na nasakote sa pagbebenta ng shabu kasunod ng ikinasang entrapment sa loob mismo ng kanyang eskwelahan sa Barangay Magsaysay sa nabanggit na bayan kamakalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Maciste Serrano, hepe ng PNP Diffun, ang suspek na si Milmore Nagtalon na 15 taon nang nagtuturo sa Bannawag Integrated School.

Nasamsam sa guro ang tatlong sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 dagdag ni Serrano.

Matatandaan na ang Municipal Veterinarian ng Diffun na si Dr. Alexander Cabe at isa pang empleyado sa munisipyo na si Juanito Gaudia ay magkahiwalay na nasakote ni Serrano sa pagbebenta ng shabu nitong nakaraang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with