4 arestado sa droga
BULACAN, Philippines - Kalaboso ang apat na drug pushers makaraang arestuhin ng pulisya sa inilatag na panibagong buy-bust operation sa Barangay Duhat, bayan ng Bocaue, Bulacan noong Linggo ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Manuelito “Manny” Cruz, 32; Johnny Rey Macaltao, 28; Ronaldo Geronimo, 39; at si Wilson Privado, 28, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Charlie Cabradilla, narekober sa mga suspek ang 16-plastic sachets ng shabu, P600 na marked money at mga drug paraphernalia.
- Latest