2 tumador dinedo sa inuman
BATAAN, Philippines – Napaslang ang dalawang obrero makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang kalalakihan habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa Purok 7, Barangay Mambog sa bayan ng Hermosa, Bataan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang dalawa na sina Roland Apostol, 36, magsasaka; at Rolando Sundo, 49, construction worker, ng Purok 6 sa Barangay Cataning. Sa pagsisiyasat ni PO2 Rommel Benjarin, magkasamang nag-iinuman ang dalalawa nang lapitan at pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang lalaki. Nakarekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ang cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest