Pulis nilikida ng tandem
NORTH COTABATO, Philippines – Bulagta ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunman sa Barangay Lower Irasan sa bayan ng Roxas, Zamboanga del Norte kahapon ng umaga. Napuruhan sa katawan ang biktimang si PO3 Felomino Sardane Sedrome, naka-assign sa Roxas PNP bilang imbestigador. Base sa police report, naganap ang insidente bandang alas-8 ng umaga kung saan nagtamo ng mga grabeng tama ng bala sa katawan ang biktima. Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, magkaangkas sa motorsiklo ang gunmen na naka-pulang jacket nang dikitan ang biktima saka niratrat.
- Latest