^

Probinsiya

30 kabahayan naabo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 30 mga kabahayan ang tinupok ng apoy sa naganap sunog sa mismong harap ng Central Fire District ng Bureau of Fire Protection sa Salmonan, Barangay 23-C, Poblacion, Davao City, kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Davao naganap ang sunog bandang ala-1:15 kahapon kung saan mabilis namang dumating ang BFP pero agad namang kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay.

Nabatid kay SFO2 Ramil Gillado, acting spokesperson ng Davao City Fire District at deputy chief ng intelligence and investigation section, aabot sa P.6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Ayon sa opisyal, bago naganap ang sunog may dalawang bata ang nakita na naglalaro ng posporo sa bahay ni Catherine Espares kung saan nagsimula ang sunog.

Wala namang naiulat na namatay maliban lamang sa ilang residente na nagtamo ng  gasgas at sugat.

Nagsasagawa na ng survey ang City Social Services and Development Office (CSSDO) at bina-validate ang mga pangalan ng mga residenteng naapektuhan ng sunog dahil patuloy ang tulong na kanilang ibinibigay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with