^

Probinsiya

Chikungunya outbreak sa Ilocos Sur

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot na sa 241 kaso ng mosquito borne viral disease na chikungunya ang naitala sa lalawigan ng Ilocos Sur, ayon sa provincial health office.

Sinabi ni Provincial Health Officer Carmeliza Singson ang naturang bilang ay naitala mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Pinakamaraming naitalang kaso ng chikungunya nitong Hulyo na umabot sa 108, habang 70 ang naiulat nitong nakaraang buwan.

Pinakaapektado sa lalawigan ang bayan ng Galimuyod na may 132 kaso, 85 dito ay naitala noong Hulyo at 31 nitong Pebrero.

Dalawampu’t walong kaso naman ng mosquito borne viral disease ang naiulat sa lungsod ng Candon.

Apektado rin ang mga bayan ng Santiago, Lidlidda, Santa Lucia, Santo Domingo, Sigay at Sinait.

Samantala, bumaba naman ang kaso ng dengue sa lalawigan ng 28.21 percent kumpara sa nakaraang taon na may 1,471 na kaso noong Enero hanggang Agosto.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with